JOLOGS AKO, JOLOGS NA JOLOGS!!

20 May

>
Dahil JOLOGS ako, tagalugin natin itong entri na ito. Bawal ang Ingles!!

Simulan na natin.

Mahilig ako manood ng mga palabas, madami nga akong gusto panoorin noon sa sinehan pero hindi ko napanood dahil walang pagkakataon o oras, at takot ako manood ng mag-isa sa sinehan. Madilim kasi (malamang).

Hindi ako nakatiis noong ika-13 ng Mayo, pumasyal ako ng S.M para magbayad ng linya ng aking pang-sariling telepono sa Globe. Nakita ko ang malaking patalastas tungkol sa palabas na “When Love Begins” na pinagtambalan ng aking idolo na si Aga Muhlach at Anne Curtis.

Hindi na ako nag-dalawang isip pa, pag-kagaling sa Globe, pumunta ako sa tiketan at bumili ng isa para sa akin… tama MAG-ISA lang ako nanood. Para maging sulit ang bihirang pagkakataon, dumaan muna ako sa Mc Donalds, pumila ng 15 minuto, at bumili ng makakain.

Pag pasok ko sa sinehan, para akong kinabahan, sa totoo lang natakot ako, pero tumuloy ako, syempre sayang ang pera at pagkakataon ko na to’ para makita si Aga matapos ang ilang taon. hehehe!

Umupo ako sa gitang hanay at yun na. Napanood ko ang palabas!

Sabi nila Jologs daw kasi tagalog o filipino ang palabas, eh di kung ganon lahat ng taga-pinas JOLOGS!? Hay, at ang mga nagsasabi pa nito ay mga pinoy mismo! Wala naman ata masama maging Jologs (marami na ata kahulugan ang jologs), basta, JOLOGS NA KUNG JOLOGS importante naging masaya ako, KAYA JOLOGS AKO…JOLOGS NA JOLOGS! =)

PAHABOL… dalawang beses ko pala pinanood yung palabas! =)

PANOORIN ANG PATALASTAS, PAKI-KLIK -> http://www.abs-cbn.com/whenlovebegins/vid6.html

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: